TABANG KOMUNIDAD PANTRY
Ang Tabang Komunidad Pantry ay nagsimula noong April 17, 2020. Ito ay pagtugon
sa hamon ni Patreng Non / Maginhawa Community Pantry na magtayo ng comunity
pantry sa aming komunidad. Isa sa inspirasyon ang Maginhawa CP sa TK Pantry.
Naitayo ang unang TK Pantry sa labas ng Grandvale II Subdivision, San Felipe,
Naga City, Camarines Sur, Bicol. Naitayo rin ang TK Pantry - Cuatro Esquinas sa
Brgy. Dinaga sa nasabing syudad.
Simula ng unang araw ng TK Pantry,magpahanggang
ngayon ay nananatiling nagsisilbi ang TK Pantry sa ating mga kababayan. Lalong
na sa ating mga senior citizen, PWD at ibang sektor na naapektuhan ng pandemya't
nangangailangan ng pagkain. Nagbabahagi rin ang TK Pantry sa ating mga
kababayang nasa lansangan ang buhay at kabuhayan, sa ating #FoodForTheHomeless.
Walang pinipili ang TK Pantry na bigyan, basta pumupunta sa pantry, tiyak na
makakapag uwi ng pangangailangang pagkain. Wala ring pinipili kung taga saan. Sa
TK Pantry, walang restriksyon at walang rekisitos upang makakuha ng
pangangailangan.
Mahigit ng 170 days na nagsisilbi ang TK Pantry - San Felipe at
magpapatuloy pa ito sa tulong ng nagbibigkis na komunidad. Mahigit 56,000
indibidwal at pamilya na ang napagsilbihan ng TK Pantry.
Ipagpatuloy ang
bahaginan. Tuloy ang latag!
#FightingHungerFeedingHope #TabangKomunidadPantry
#CommunityPantryPH
Comments
Post a Comment